The work of nation-building, one citizen at a time

After the high drama and colorful events of the last elections, the work begins--of bringing the country to a brighter direction, of unifying the Filipino people, and uplifting the plight of the citizenry. Let history unfold.

Wednesday, August 5, 2009

tungkol sa kantang "Bayan Ko"

Naririnig natin siya pag nagluluksa ang bayan, pag may krisis sa bansa, at pag may nananganib sa kalayaan ng Pilipinas. Sa mga nakaraang araw, paulit-ulit siyang kinakanta alay sa yumaong dating pangulong Aquino at ang kanyang ipinaglaban. Alam kaya natin ano ang totoong ibig sabihin ng kantang "Bayan Ko"?

Susubukan ko suriin at tignan ang mga linya nitong kanta para lalo pa natin maintindihan ano ang kahulugan ng mga ito para sa ating lipunan.

"Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag"

Ito: mga dahilan na ipagmalaki natin ang sarili nating bayan. Itong bansa natin ay isang lugar na maraming likas na yaman, at marami rin mga pagkakataon para matupad ang pangarap. Hindi na kailangan na palaging mangarap umalis ng bansa para umunlad. Pero ang isa sa mga pinakamagandang yaman ng Pilipinas ay ang Pilipino mismo. Kung titignan natin, kakaiba ang ugali ng mga Pilipino. Hindi lang tayo mapagtanggap, masayahin at rehilyoso. Tayo ay isang mapagmahal na lahi. Kung hindi tayo mapagmahal, di mangyayari ang EDSA, ang GK, at kung anu ano pang mga pangaraw-araw na milagro na nagiging mga ilaw sa ating bansa. Bakit nga ba tayo nahihiya dito?

"At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa".

Ang malungkot na isipin: mas nakikinabang ang mga dayuhan sa atin mga gawain kaysa sa sarili nating mga kababayan. Ang mas masaklap pa ay ito: mas nakikita ng mga taga-ibang bansa ang mga kakayahan ng mga Pilipino kaysa tayo mismo. Oo, sinakop ng mga Kastila, Amerikano at Hapon ang Pilipinas nang napakahabang panahon. Hindi natin yan maitatakwil. Sinulat nga ni Jose Corazon de Jesus ang kanta ito sa panahon na tayo ay sinakop ng mga Amerikano. Pero maari nga ba na iba na ang bumibihag sa atin? Maari na iba ang nananakop ngayon---hindi sa lupa, pero sa isipan at puso ng bawat Pilipino? Baka hindi lang neo-koloyanlismo: pwede rin ang korupsyon, kawalan ng disiplina, pagiinggit, kulang sa pagmamahal sa bayan o kulang sa pakialam. At dahil tayo ay tumitigil lamang sa pagdusa at pagiyak, di pa ba natin nakikita ang sarili nating lakas na bumangon nang husto mula sa nakaraan?

"Ibon man may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal dilag
Ang di magnasang makaalpas?"

Karapatan ng bawat Pilipino na manatiling malaya. Nasa Saligang Batas natin yan (baguhin man ito, hindi ito mawawala sa Bill of Rights). Ang kalayaan ito ay may mga implikasyon: dapat malaya ang bawat Pilipino na mabuhay ng mapayapa. Ang bawat Pilipino ay may kaligtasan sa ilalim ng ating mga batas. Hindi siya pwedeng apihin ng sinuman na wala sa dahilan. Ang bansa natin ay may pagkakakilanlan: Republika ng Pilipinas, malaya sa pananakop at pagaari ng iba mga maykapangyarihan. Ang Pilipinas ay hindi ang pamamayari ng iisang tao o pamilya o grupo. Dapat ang ating pamahalaan ay maglilingkod sa kabuuan ng bansa at di lamang sa interes ng iilan. At dapat ang mga mamamayan ay kikilos sa mga paraan na makakaangat sa dangal ng ating bayan. Mahalaga na itaguyod natin ang karapatan ng bawat Pilipino at ang pagkakakilanlan ng bayan. Kung sa maliit na bagay gaya ng ating sariling buhay tayo ay may paki, mawalan ng konting kalayaan dahil sa trabaho o pagaaral o kahirapan tayo ay umaangal, bakit di natin kaya ipaglaban rin ang kapwa at bayan?

"Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha ko't dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya!"

Sa mga kababata ko: ito ang minimithi ng ating mga ninuno panahon pa nina Rizal hanggang sa ating mga magulang. Ang isyu ng kalayaan ng ating bansa ay hindi pwedeng pabayaan. Sa isang simpleng analohiya: ating mga karaniwang buhay, hahayaan ba natin na aangkinin ng iba ang sarili nating mga tahanan? Hindi naman siguro. Kung ipapalalim pa natin ito, makikita natin na ang kalayaan ng ating bayan ay may kinalaman sa ating mga katauhan. Di natin maihihiwalay ang pagiging "Pilipino" sa ating mga indibidwal na buhay. Kung may nagbahid sa itong bahagi ng ating katauhan, maapektuhan ang kabuuan nating pagkatao. Mahirap (hindi imposible) na matamasa natin ang kabuuan ng ating dignidad at dangal kung nahihiya tayo sa ating pinanggalingan: ang bayang Pilipinas. Bahagi ng ating pagsibol bilang mga tao ay ang pagtulong sa ating bayan at sa lipunan na naghubog sa atin. Kung hindi, habangbuhay tayo mananatiling naguguluhan sa ating kalagayan sapagkat hindi natin nagagawan ng paraan na gawin mas makatao ang ating konteks at panahon na natatangi sa atin.

Ito ay ilan lamang sa mga kuro-kuro at saloobin na maaring mabuo mula sa kantang ito. Pero hindi nga kataka-taka kung bakit hanggang ngayon ito ay nagiging daan na mailabas ang matinding pagmimithi at pagdadalamhati ng mga Pilipino. Pangarap ko na sa henerasyon natin maitutupad ang hiling sa huling bahagi nitong kanta, na magiging katotohanan ang "makita kang sakdal laya!"

29 comments:

  1. This song touches the soul of every Pilipino people..if only they could find the true essence of this song..its a nice song indeed..

    ReplyDelete
  2. Thanks for this answer.

    ReplyDelete
  3. thanks for the interpretation it really helps me

    ReplyDelete
  4. thank you po😊❤️ I've learned a lot😊

    ReplyDelete
  5. Thanks haha.
    Who else is here because of the module?

    ReplyDelete
  6. Thank you. It helps me to understand the lyrics ♥

    ReplyDelete
  7. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  8. Anyone know the meaning about palad and pugad in the poem?

    ReplyDelete
  9. Thanks for the info. God Bless

    ReplyDelete
  10. Thanks.its help me to understand ing the poem

    ReplyDelete
  11. thanks po.nakakatulong'to saking module:)

    ReplyDelete
  12. July 5, 2023

    https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=pfbid023hEsRSWUCSSBBuNocr9QfQNocB5LnM1CbJqbjTFq2wThXFqErXyexU8sjnva9vmSl&id=100010220100157&mibextid=Nif5oz

    "Pugad ng mga magnanakaw at dalita"

    "Walang ibang tutulong kundi tayo, ikaw kapatid ko sa panig ng mahihirap lamang. . . Love of the Philippines. . .

    Kapwa Pilipino ay kinakalaban mo?

    Sila-sila lang din ang nagtutulungan na mga mananakop sa sarili nating bansa na mga kapwa natin Pilipino upang manatili silang. . .

    Rob of the Philippines. . .

    Ipinagtatanggol pa rin nila ang kapwa magnanakaw kahit nagkabukuhan na!

    Ang kantang ito ay hindi para sa panahong ito kundi sa Unang Amang magnanakaw ng kaban ng bayan pa nag-umpisa at nagpapatuloy pa rin hanggang sa yugto ng modernong panahon ngayon na nakatuon sa isang gawain o layunin; pagkakaroon ng solong pag-iisip na katapatan o integridad sa mga kapwa na sila-sila na mga magnanakaw at mga mananakop ng sariling bansa o transisyonal na kolonyalismo at imperyalismo sa bansa!

    "Ang bayan kong Pilipinas
    Lupain ng ginto't bulaklak
    Pag-ibig na sa kanyang palad
    Nag-alay ng ganda't dilag"

    "At sa kanyang yumi at ganda
    Dayuhan ay nahalina

    "(at mga kapwa kong Pilipino na sila-sila ay mga magnanakaw)"

    "Bayan ko, binihag ka
    Nasadlak sa dusa"

    CHORUS

    "Ibon mang may layang lumipad
    Kulungin mo at umiiyak
    Bayan pa kayang sakdal-dilag
    Ang 'di magnasang makaalpas"

    "Pilipinas kong minumutya
    Pugad ng luha (mga magnanakaw) at dalita
    Aking adhika
    Makita kang sakdal laya"

    AD LIB

    [Repeat CHORUS]
    by Freddie Aguilar

    From,
    "Sage green-neutrality"

    ReplyDelete