Sa una, naaliw lang ako gaya ng karamihan ng mga kamag-aral ko. Pero hindi ko aakalain na mapapabili rin ako. Ngayon may tatlong pin sa aking bag, lahat na may salita, "Gusto kong bumoto para sa...."
Maganda ang panukala ng mga kamag-aral ko na magbenta ng mga pin para maeenganyo ng mga tao na bumoto. Mas maganda ang mga nakasulat sa mga pins:
-Gusto kong bumoto para sa KALIKASAN
-Gusto kong bumoto para sa KABATAAN
-Gusto kong bumoto para sa KABABAIHAN
-Gusto kong bumoto para sa KALUSUGAN
-Gusto kong bumoto para sa EDUKASYON
-Gusto kong bumoto para sa KATOTOHANAN
-Gusto kong bumoto para sa KARAPATAN
-Gusto kong bumoto para sa SINING
-Gusto kong bumoto para sa LGBT
-Gusto kong bumoto para sa PILIPINO
Kapansin pansin na lahat ng mga ito ay mga bagay na dapat ipaglaban. Ito ay ang mga nagiging basehan ng mga plataporma, at dapat rin mga desisyon ng mga botante.
Pinili ko na bilhin ang pins para sa EDUKASYON, KABABAIHAN, at SINING. Isa na rin dahilan ang pagkaubos ng pin para sa mga PILIPINO, pero dahilan rin ang pagpili sa mga "advocacy" na ipinaglalaban ko sa buhay. Ito ay ilan sa mga hahanapin ko bilang botante: kaya ba ng kandidato na ipaglaban ang paniniwala ko?
Magtanong na, mga kasama. :D
Monday, August 3, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment