Maligayang araw sa inyong lahat.
Talaan ito ng mga karanasan at saloobin ng isang bagong makikilahok sa lipunan bilang botante. Hindi ko alam bakit di ko naisip na maging botante noon pa man. Di ko rin alam kung bakit ngayon lang ako makikilahok, magsusulat at mangangarap. Siguro panahon na rin na gawin ko ang mga ito.
Ang ilan sa mga itatala ko ay susulatin ko sa wikang Ingles, sapagkat ito ay ang wika na nakasanayan ko na. Susubukan ko pa rin na magsulat sa wikang Pilipino, dahil itong talaan ay para sa mga kababayan ko. Saan man ito aabot, sana dinggin ninyo.
May konting kaugnayan ito sa mga ginagawa ko sa ilan mga dyornal at sulatin sa iba't ibang mga lugar. Pero konti lang. Oo, gumagamit rin ako ng Multiply, Facebook, Plurk, Twitter, at kung anu ano pa. Pero ang mga yun ay para makipagkulitan, sawsawan, asaran, palitan, at iyakan ng mga kasama ko sa komunidad at maging sa aking unibersidad. Pero nais ko na itong talaan ay di para lang sa mga nakikilala ko sa pang araw araw na galaw ko.
At dito tayo magsisimula: sa isang kwento.
Monday, August 3, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment