The work of nation-building, one citizen at a time

After the high drama and colorful events of the last elections, the work begins--of bringing the country to a brighter direction, of unifying the Filipino people, and uplifting the plight of the citizenry. Let history unfold.

Saturday, August 15, 2009

mga tanong tungkol sa pagiging rehistrado

Siyempre ba naman, pumasok ako kanina. Hindi mapakali dahil sa nangyari kahapon sa COMELEC. Tamang tama, pagkarating ko sa eskwela, nakasalubong ko ang ilan sa mga kaibigan na nakarinig sa kwento ko kahapon.

Nagtanong-tanong kami ng kapatid ko kung anu ano ang nangyari sa kanila nung sila nagpa-rehistro para maging botante. Ito ang ilan sa mga kwento nila:

-Nadalian dahil kilala ng mga taga barangay ang kanyang ama.
-Ang ginamit na ID ay ang alumni card ng pamantasan. Tanggap pa rin.
-Nagdala ng lisensya. Yun lang.
-Nagdala ng ID tsaka clearance sa barangay.

Halata ba naman na hindi pare-pareho ang mga karanasan...pero halos magkasinedad kami, nagiiba lang ng isa o dalawang taon. Bakit kaya nagkakaganito? Wala bang sistema ang COMELEC sa pagrehistro? Bakit nagiiba-iba sya kada lugar?

Kailangan siguro na ayusin ang sistema. Gawin pantay pantay ang lahat ng mga kinakailangan at gagawin pag pupunta sa COMELEC para magparehistro. Makakatulong ito sa mga botante, at siguro mas maaeenganyo sila na makilahok sa mga nangyayari gamit ng kanilang boto. Kung aalagaan ng sistema ang bawat mamamayan, mas ipapahalaga ng bawat Pilipino ang kapakanan ng bayan.

Sana ganon lang. Babalik ako sa COMELEC pagkatapos ng buwan. Magtatanong-tanong muna kung ano ang nangyari. Baka sakali masolusyunan ang isyu na ito

No comments:

Post a Comment