Ang Kinabukasan Na Makikita Mula sa Tuktok ng Barikada
Ang mga pangyayari sa nasabing mapanganib na oras at ang mismong walang awang lugar ay mismong sanhi at wakas sa mapanglaw na kalooban ni Enjolras.
Na kay Enjolras ang galaw ng rebolusyon, ngunit siya ay may pagkukulang, ang pagkukulang na nakikita sas masyadong mga lubos. Mas nakikita si Saint-Just sa kanyang katauhan, at kulang naman yung kay Anacharsis Cloots. Pero sa kanyang pananaw, ang samahan ng mga Kaibigan ng mga ABC ay nagtatapos sa pagkakaroon ng isang paglalawak mula sa mga paniniwala ni Combeferre. Sa mga nagdaang mga panahon, dahan-dahan siyang lumilisan sa makitid na landas ng dogma at lalong pumapanig naman sa mas malawak na impluensya ng kaunlaran. Tanggap na niya bilang bahagi ng isang dakilang ebolusyon ang pagsulong mula sa Kahanga-hangang Republika ng Pranses sa mas malaking republiko ng sangkatauhan. Pag dating naman sa pinakakailangan na paraan na mamahagi sa karahasan, gusto niya na tumuloy sa pakikibaka. Sa punto na yon, di siya nagbago at kasapi pa rin siya sa magiting at matatag na pananaw na mabubod sa salitang “Eighty-Three”. Nakatayo si Enjolras sa hagdanan na gawa sa mga bato, pinapatong ang isa niyang siko sa hawakan ng kanyang baril. Malalim ang kanyang pagmuni-muni, at siya ay nanginig, parang may nahulaan. Ang lugar na panay kamatayan ay may ganitong epekto ng mga tripod. May isang nanahimik na alab sa kanyang mga mata na parang tumitingin paloob. Maya-maya, tumaas ang kanyang noo, at ang kanyang gintuang buhok ay nagmistulang sa buhok ng mga anghel. Siya ay nagbigkas:
“Mga mamamayan, ang inyong kinabukasan ba inyong minamasdan? Ang lansagan ng ating mga lungsod ay puno ng liwanag, mga luntiang sanga sa bahay-bahay, magkakapatid ang mga bansa, makatarungan mga tao, ang mga matatanda binibiyayaan mga bata, ang nakaraan nagmamahal sa kasalukuyan, may kalayaan sa pagiisip, ang mga nananampalataya pantay-pantay, ang rehilyon ay langit, Diyos ang siyang pari, konsensya ng tao ay banal, wala nang alitan, ang kapatiran ng mga trabaho at paaralan, katanyagan ang nagiisang parusa at gantimpala, trabaho para sa lahat, karapatan para sa lahat, kapayapaan para sa lahat, wala nang pagdanak ng dugo, wala nang digmaan, at masasayang mga ina! Ang paglupig sa mga bagay-bagay ay ang unang hakbang lamang, ang pangalawa naman ay ang pagsakatuparan ng nararapat.Balikan ang mga nagawa ng pagsulong. Dati, takot ang mga sinaunang tao na minamasdan ang hydra, ang kanyang hininga sa katubigan, ang dragon na nagsusuka ng apoy, ang griffin na dambuhala ng himpapawid, at lumilipad na may pakpak ng agila at paa ng tigre, mga nakakatakot na hayop na nanghahari sa tao. Pero ang tao ay gumawa ng bitag hango sa kanyang katalinuhan, at naamo niya itong mga dambuhala. Tinalo natin ang hydra, at ang tawag natin sa kanya ay tren. Matatalo rin natin ang griffin, hawak na natin at ipinangalan na natin na lobo. Sa panahon na natapos natin itong gawain na nararapat kay Prometheus, at ang tao ay ganap na naisingkaw ang tatluhang Chimaera ng nakaraan, ang hydra, dragon, at griffin, siya na ang amo ng tubig, apoy, at hangin, at para sa mga ibang kumikilos na nilikha, siya ang magiging kung ano sa kanya dati ang mga naglaho na mga poon. Tibayin natin mga loob at sulong pa!
"Mga mamamayan, saan ba tayo tutungo? Papunta sa agham na naging pamahalaan, ang mismong pwersa ng mga bagay-bagay ang siyang tumutulak sa publiko , sa natural na batas na may likas na batayan at parusa na pinapatibay pa ng ebidensya, at sa bukang-liwayway ng katotohanan na katumbas na rin sa bukang-liwayway ng araw. Sumusulong tayo patungo sa pagiisang-dibdib mga lahi, umaasenso tayo patungo sa pagkakaisa ng sangkatauhan. Ang mga sibilisasyon ay magpupulong una sa tuktok ng Europa, tapos rin sa gitna ng mga kontinento, isang malawak na parliamento ng mga isip. Dati may nangyari na parang ganito. Dalawang beses sa isang taon nagpupulong ang mga amphictyon, una sa Delphos na trono ng mga poon, at yung pangalawa sa
"Hindi na mauulit ang kasaysayan ng dati, hindi na mangyayari na parang sa kasalukuyan, pangamba dahil sa pagsasakop at paglulupig, ang pag-agaw sa kapangyarihan, ang pagiging karibal mga bansa na hawak ng sandata, ang panggulo ng sibilisasyon dahil sa pag-aasawa ng mga kaharian, o ang pagsilang sa minamanang mga tyranismo, o ang paghati ng mga tao dahil sa isang kongreso, o ang pagwawatak dahil sa pagbagsak ng isang pamilya, ang paglaban ng dalawang naghaharapan na rehilyon, parang dalawang usa sa dilim, sa tulay ng walang hanggan. Hindi na tayo matatakot sa paggutom, pagkakalayo para magtrabaho, prostitusyon dahil sa karalitan, poot mula sa pagkawalan ng trabaho at pagkaroon ng pagbitay, karahasan, laban, at ang walang-bahalang kilos ng tadhana sa gubat ng mga panahon. May magsasabi na wala nang mga pangyayari. Lahat naman tayo ay mapayapa. Matutupad ng sangkatauhan ang kanyang batas sa paraan na tinutupad nitong mundo ang sarili niyang batas, babalik ang pagkakatugunan ng kaluluwa sa mga tala, lalapit ang kaluluwa sa katotohahan tila ang planeta na umiiikot sa liwanag. Mga kaibigan, nitong panahon na inilalaan ko ang mga ito ay isang malubhang panahon, pero ito ang nakakatakot na halaga ng ating kinabukasan. Ang rebolusyon ay mabigat na alay. O, ililigtas ang sangkatauhan, itataas, at mahihilom! Itinataguyod natin ito sa ating barikada. Saan pa ba manggagaling nitong sigaw ng pagmamahal, kung hindi mula sa kataasan ng pagsasakripisyo? Aking mga kapatid, ito na ang punto ng pagbabago, para sa mga may malay at para sa mga naghihirap; itong barikada ay hindi gawa sa mga bato, o mga kahoy, o mga pirasong bakal. Ito ay binuo ng dalawang tumpok: tumpok ng mga kaisipan, at tumpok ng pagdurusa. Dito nagkikita ang pagluluksa sa nararapat. Niyayakap ng araw ang gabi at nagsasabi, ‘Ako ay papanaw, at ikaw ay sabay ko ulit na masisilang’. Mula sa yakap ng pagdadalamahati ay lumulusong naman ang panananampalataya. Dito dinadala ng mga pagdurusa ang kanilang mga hinagpis, at mga ideya naman ang kanilang walang-hangganan na buhay. Magsasama pa lang itong hinagpis at walang-hangganan na buhay para mabuo ang ating pagpapanaw. Mga kapatid, ang sinuman mamatay dito ay papanaw sa liwanag ng kinabukasan, at papasok tayo sa puntod na puno naman ng bukang-liwayway.”
Napahinto si Enjolras sa halip ng nanahimik. Gumagalaw pa rin ang kanyang mga labi parang nagpapahayag sa kanyang sarili, at siya ay minamasdan ng lahat para marinig kung ano pang ang kanyang sinasabi. Walang pumalakpak, pero matagal sila nagbulong-bulungan. Kung ang pagsalita ay parang hininga, ang pagkaluskos ng malay ay tila kaluskos ng mga dahon.
ENGLISH TRANSLATION
The situation of all in that fatal hour and that pitiless place, had as result and culminating point Enjolras' supreme melancholy.
Enjolras bore within him the plenitude of the revolution; he was incomplete, however, so far as the absolute can be so; he had too much of Saint-Just about him, and not enough of Anacharsis Cloots; still, his mind, in the society of the Friends of the A B C, had ended by undergoing a certain polarization from Combeferre's ideas; for some time past, he had been gradually emerging from the narrow form of dogma, and had allowed himself to incline to the broadening influence of progress, and he had come to accept, as a definitive and magnificent evolution, the transformation of the great French Republic, into the immense human republic. As far as the immediate means were concerned, a violent situation being given, he wished to be violent; on that point, he never varied; and he remained of that epic and redoubtable school which is summed up in the words: "Eighty-three." Enjolras was standing erect on the staircase of paving-stones, one elbow resting on the stock of his gun. He was engaged in thought; he quivered, as at the passage of prophetic breaths; places where death is have these effects of tripods. A sort of stifled fire darted from his eyes, which were filled with an inward look. All at once he threw back his head, his blond locks fell back like those of an angel on the sombre quadriga made of stars, they were like the mane of a startled lion in the flaming of an halo, and Enjolras cried:
"Citizens, do you picture the future to yourselves? The streets of cities inundated with light, green branches on the thresholds, nations sisters, men just, old men blessing children, the past loving the present, thinkers entirely at liberty, believers on terms of full equality, for religion heaven, God the direct priest, human conscience become an altar, no more hatreds, the fraternity of the workshop and the school, for sole penalty and recompense fame, work for all, right for all, peace over all, no more bloodshed, no more wars, happy mothers! To conquer matter is the first step; to realize the ideal is the second. Reflect on what progress has already accomplished. Formerly, the first human races beheld with terror the hydra pass before their eyes, breathing on the waters, the dragon which vomited flame, the griffin who was the monster of the air, and who flew with the wings of an eagle and the talons of a tiger; fearful beasts which were above man. Man, nevertheless, spread his snares, consecrated by intelligence, and finally conquered these monsters. We have vanquished the hydra, and it is called the locomotive; we are on the point of vanquishing the griffin, we already grasp it, and it is called the balloon. On the day when this Promethean task shall be accomplished, and when man shall have definitely harnessed to his will the triple Chimaera of antiquity, the hydra, the dragon and the griffin, he will be the master of water, fire, and of air, and he will be for the rest of animated creation that which the ancient gods formerly were to him. Courage, and onward"
"Citizens, whither are we going? To science made government, to the force of things become the sole public force, to the natural law, having in itself its sanction and its penalty and promulgating itself by evidence, to a dawn of truth corresponding to a dawn of day. We are advancing to the union of peoples; we are advancing to the unity of man. No more fictions; no more parasites. The real governed by the true, that is the goal. Civilization will hold its assizes at the summit of
"Then, there will be nothing more like the history of old, we shall no longer, as to-day, have to fear a conquest, an invasion, a usurpation, a rivalry of nations, arms in hand, an interruption of civilization depending on a marriage of kings, on a birth in hereditary tyrannies, a partition of peoples by a congress, a dismemberment because of the failure of a dynasty, a combat of two religions meeting face to face, like two bucks in the dark, on the bridge of the infinite; we shall no longer have to fear famine, farming out, prostitution arising from distress, misery from the failure of work and the scaffold and the sword, and battles and the ruffianism of chance in the forest of events. One might almost say: There will be no more events. We shall be happy. The human race will accomplish its law, as the terrestrial globe accomplishes its law; harmony will be re-established between the soul and the star; the soul will gravitate around the truth, as the planet around the light. Friends, the present hour in which I am addressing you, is a gloomy hour; but these are terrible purchases of the future. A revolution is a toll. Oh! the human race will be delivered, raised up, consoled! We affirm it on this barrier. Whence should proceed that cry of love, if not from the heights of sacrifice? Oh my brothers, this is the point of junction, of those who think and of those who suffer; this barricade is not made of paving-stones, nor of joists, nor of bits of iron; it is made of two heaps, a heap of ideas, and a heap of woes. Here misery meets the ideal. The day embraces the night, and says to it: `I am about to die, and thou shalt be born again with me.' From the embrace of all desolations faith leaps forth. Sufferings bring hither their agony and ideas their immortality. This agony and this immortality are about to join and constitute our death. Brothers, he who dies here dies in the radiance of the future, and we are entering a tomb all flooded with the dawn."
Enjolras paused rather than became silent; his lips continued to move silently, as though he were talking to himself, which caused them all to gaze attentively at him, in the endeavor to hear more. There was no applause; but they whispered together for a long time. Speech being a breath, the rustling of intelligences resembles the rustling of leaves.
No comments:
Post a Comment